Modyul 3: Aralin 3.3

 


Aralin 3.3: Pagsulat ng Bionote

Dyul 3Caintic, Paula                                                                                                   Fil 002 – Aralin 3.3

12-HUMSS                                                                                                     Jan. 29, 2021

Aplikasyon

·         Paano makatutulong sa iyong karera o propesyon sa hinaharap ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa pagsulat ng bionote?

Makakatulong sa aking karera ang may sapat na kaalaman sa pagsulat ng bionotee dahil kadalasan kapag kinakailangan maghanap ng trabaho ay hihingi ang employer ng Curriculum Vitae at sa interview babasahin nila ang laman ng iyong CV at kung papaano imo inilahad ang iyong kakayahan base sa iyong isinulat. Nakatutulong din ito kung mayroong interview at kung mahusay ang pagkasulat ng iyong bionote or CV ay pwede mo itong gagwing reference sa mga isasagot mo sa mga tanong ng iyong employer.

 

Pagtataya

Panuto: Ipagpalagay nating nakapagtapos ka na ng pag-aaral at nakahanap ka na ng trabaho sa mga panahong ito. Pagkatapoos ay naimbitahan kang maging ispiker sa isang “Graduation Ceremony”, kaya gagawa ka ng bionote tungkol sa iyong sarili na siyang gagamitin sa pagpapakilala sa iyo sa mga magsisipagtapos na mga estudyante. Gawing gabay ang tinalakay nating mga hakbang sa paggawa ng bionote at huwag kalimutang isaaalang-alang ang mga impormasyong dapat makita dito. Mamarkahan ang iyong ginawang awtput batay sa nakalahad na pamantayan sa ibaba.

 

            Si Paula Caintic ay isa sa mga nakapagtapos sa VSU Integrated High School. Sa kolehiyo, nakapagtapos siya ng Bachelor of Arts in Art Studies sa UP Diliman. Isa siyang batikang art curator sa National Museum of the Philippines. Noong siya’y estudyante pa lamang, nagsusumikap siyang kumita ng kanyang sariling pero para sa kanyang panggastos kaya siya’y kumukuha ng mga trabaho sa pagsusulat. Nagsumikap din siyang maghanap ng iskolarsip sa kolehiyo.

            Nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral hanggang sa nakakuha siya ng kanyang PhD degree sa Art History doon sa Europa sa ilalim ng isa nanamang iskolarsip. Dahil sa kanyang trabaho, palagi siyang naglalakbay sa mundo para maghanap ng mga art pieces. Isa din siyang tagapagsalita sa mga nasyunal na kumbensyon tungkol sa art studies and history kung saan ipinapaunlad niya ang kurso at trabaho sa larangan ng pag-aaral nito.

Comments