Prologo

Prologo

ni Paula Caintic

    Ang pagtatala ang ebidensya ng isang estudyante sa pagiging matagumpay niya sa kanyang pag-aaral.

    Iyan ang pahayag na kusang pinaniniwalaan ng awtor. Iyan din ang pinagbatayan ng awtor ng pamagat ng portfoliong ito -- Itala. Ang portfoliong ito ay naglalaman ng lahat ng isinulat ng awtor para sa asignatura na Filipino 002. Ilan sa mga akdang matatagpuan sa portfoliong ito ay ang pictorial essay na pinamagatang Barkada kung saan mayroong mga larawan ang tagasalin ng kanyang mga kaibigan.

    Ibinuhos ng awtor ang lahat ng kanyang kaalaman at kakayahan upang maibahagi ang sumusunod na akda sa wastong paraan. Gayunman, ipagbigay-alam ang pagtanggap ng awtor na hindi pa sapat ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagsusulat gamit ang wikang Filipino at paggagawa ng portfolio sa pamamagitan ng pagbuo ng isang blog. Sa pamamagitan ng gawain ng kursong ito, umuunlad ang kaalaman at kakayahan ng awtor.

    Ang pagtala ng lahat ng mga akda at sulatin para sa portfolio ng asignatura na ito ay kanyang lubos na ipinagmamalaki at ipinagpapasalamat sa Panginoon.  Nagpapasalamat din siya sa kanilang guro na si Ms. Erna Mae Alajas sa paggabay niya sa awtor sa kanyang pag-aaral sa kursong ito.

    Ang portfoliong ito ay inaalay ng awtor sa kanyang mga kapwa kaklse sa Filipino 002 upang magsilbing tagapagpagunita ng lahat nilang alaala sa kanilang pagsasama bilang mga estudyante sa Senior High School Grade 12.

Comments