Modyul 3: Aralin 3.2

 


Aralin 3.2: Pagsulat ng Pictorial Essay

Caintic, Paula                                                                                                  Fil 002 – Aralin 3.2

12-HUMSS                                                                                                     Jan. 29, 2020

Aplikayson

·         Gaano kahalaga ang paggamit ng angkop na larawan para sa paggawa ng isang mahusay na pictorial essay? Magbigay ng maikling pagpapaliwanag.

Mahalaga ang paggamit ng angkop na larawan sa paggawa ng pictorial essay dahil ito ang nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maikling kapsyon kada larawan. Isa din itong mabisang paraan upang lumikha ng isang personal na mensahe.

 

Pagtataya

Panuto: Batay sa iyong mga natutunan sa araling ito, gumawa ng isang pictorial essay hinggil sa paksang iyong nais. Sundin ang mga tips sa pagsulat ng isang mahusay na pictorial essay. Maging malikhain sa paggawa nito at lagyan ito ng sariling pamagat. Mamarkahan ang iyong ginawang awtput batay sa nakalahad na pamantayan sa ibaba.

 

Barkada

            Nagkakilala kaming lahat noong 2015, noong kami ay nasa grade 7 pa lang ng high school. Nasa iba’t ibang section ang ilan sa amin pero dahil kilala ang batch namin bilang isa sa mga pinaka-close sa isa’t isa, hindi nagging problema ang pagiging barkada namin.

            8 kaming magkaibigan sa aming barkada, noon. Ngunit, kusang umalis yung isa dahil sa isang sitwasyon na kami ay hindi nagkakaunawaan. Sa totoo lang, matagal na kaming nakakaramdam na parang hindi na kami kasing-close sa isa naming kaibigan kaya hindi kami nagpumilit sa kanya na manatili sa barkada. Nangako kami sa isa’t isa noon na waang puwersahan sa kanina man sa ating pagkakaibigan sa loob ng aming barkada.

            Kahit na 7 nalang kami sa barkada, masaya parin kami. Patuloy parin kaming nagbabahagi ng lahat ng aspeto ng mga buhay namin sa isa’t isa. Patuloy parin kaming nagdiriwang ng mga tagumpay sa buhay ng magkasama.

            Kaibigan parin naman namin yung isa na umalis sa barkada. Pero dahil sa pangyayari na ‘yon, mas naging close kaing 7. Sabay-sabay kaming nakaranas ng mga milestones sa buhay namin bilang mga high school na estudyante.

            Hanggang sa kami ay nakapagtapos ng junior high school. Sabay-sabay parin kaming sumusulong sa anumang hamon ng buhay.

            Kahit sa panibagong taon ay magkasama parin kami. Sabay kaming hinarap ang pagiging senior high school na mga estudyante.

            Ang barkada ko ang mga kaibigan na alam kong palagi kong maasahan. Hindi magbabago ang aming pagiging magkaibigan kahit alam namin na iba’t iba ang direksyon ng aming mga buhay pagdating sa kolehiyo. Pero sa ngayon, sabay-sabay parin kaming tatanda taon-taon.

            Sila ang mga taong maasahan ko na nandiyan para sa anumang problema ang hinaharap ko. Maasahan din nila na nandiyan agad ako at ang iba naming barkada para tulungan sila sa kanilang sariling problema.

            Kahit tayo ay nasa kalagitnaan ng pandemya, naghahanap parin kami ng paraan para magkita kahit paminsan-minsan.


            Mahal na mahal ko ang barkada ko at alam kong mahal din nila ako. Sana ay hindi kami magsawaan sa isa’t isa at manatili paring magkakaibigan kahit kami ay nagkakamit na ng sarili naming mga pangarap sa darating na kinabukasan.

Comments