Modyul 3: Aralin 3.1

 


Aralin 3.1: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


Caintic, Paula                                                                                                  Fil 002 – Aralin 3.1

12-HUMSS                                                                                                     Jan. 29, 2021

Aplikasyon

·         Ano ang mga magagandang naidulot ng pagmumuni-muni sa iyong sarili base sa iyong mga naging karanasan?

Para sa akin, ang magandang naidulot ng pagmumuni-muni ay ang pagiging “self-aware” ko sa mga desisyon ko sa buhay pati na rin sa mga plano ko para sa aking kinabukasan.  Kadalasan ay hindi nakabubuti sa akin na palaging magmumuni-muni pero minsan ay may mga positibo naman itong naidudulot sa buhay ko.

 

Pagtataya

Panuto: Magmuni-muni ng ilang sandal tungkol sa iyong mga karanasan sa nagdaang Enhanced Community Quarantine ngayong panahon ng pandemya. Pagkatapos ay sumulat ng isang replektibong sanaysay tungkol ditto nang hindi lalagpas sa dalawang pahina. Isulat and iyong replektibong sanaysay gamit ang wikang Filipino, at huwag kalilimutang lagyan ito ng sariling pamagat. Mamarkahan ang iyong awtput batay sa nakalahad na pamantayan sa ibaba.

 

Kaunting Pagunawa Para Sa Mga Pagod Na

Noong simula palang ng pandemya, alam kong hindi ito matatapos ng ganoon lang kadali. Ngunit, ang tanging akala ko lang ay kaya kong maging matatag sa kahabaan ng quarantine. Doon ako nagkamali.

 

Noong unang mga buwan ng pandemya, kasali ako sa mga taong galit sa gobyerno at sa kanilang mga kagagawan na naging sasnhi sa paglala ng pandemya sa loob ng bansa. Kahit ngayon na umabot na ng higit isang taon ang pandemya ay wala paring maayos na ikinilos ang gobyerno laban nito. Marami ng mga Pilipino ang namamatay dahil sa kapabayaan ng ating pamahalaan. Gayon pa man, higit sa lahat ng aking pinoproblema sa kalagitnaan ng quarantine ay ang aking mental health. Medyo may alam na ako na noon pa man ay may kahinaan ako sa aking mental health ngunit dahil sa quarantine ay mas lalo itong lumala. Dagdagan pa ng bagong systema sa edukasyon na distant learning through online classes ay napakaaki talaga ng epekto sa aking pag-iisip. Sa kasalukuyan ay napansin ko na napapabayaan ko na ang sarili ko at ang aking kaligayahan kapalit sa pagiging responsableng mag-aaral. Malinaw ang pressure na nasa balikat ng mga estudyante ngayon lalo na’t hindi lahat ay may access sa internet o di kaya ay walang maayos na kagamitan tulad ng laptop o cellphone. Hindi na maitatanggi ng pangmatagalan ang dinadaanan ng mga apektado sa panibagong systema sa edukasyon kahit ano pang sabihin ng DepEd. Minsan napapa-isip ako na gusto ko nang matapos itong lahat ngunit hindi ito mawawala kung hindi ko sisimulan. Nakokonsensya na ako kung mag lalaan ako ng isang araw na hindi gumagawa ng mga gawain sa paaralan. Pagmulat ng aking mga mata sa umaga ay ang una kong iniaalala ay ang aking mga deadline at ang mga gawain na nagtatambak na. Nag-aalala na ang aking ina para sa akin dahil ayon sa kanya hindi na raw ako madalas kumakain. Ayaw ko din naman mag-alala yung in ako kaya ginagawan ko ng paraan para hindi ko inuubos ang oras ko sa pagbababad sa laptop.

 

Noong simula ng pandemya, akala ko’y hindi lalong lumala ang aking mental health ngunit sa ngayon, napapa-isip ako na mag konsulta sa isang propesyonal upang makatulong sa akin at para hindi na lalong lumala pa. Alam kong hindi lang ako ang nakararanas ng ganito sa kalagitnaan ng pandemya, marami kami at kadalasan ay dulot sa stress na ibininbigay ng paaralan. Ang gusto lang naming ay kaunting pagunawa dahil lahat tayo kapos sa oras ng dahil sa karamihan ng mga ipinapagawa.

Comments