Caintic,
Paula Fil
002 – Aralin 2.3
HUMSS-12 Oct.
22, 2020
Aplikasyon
Para maging mabisa ang talumpati at
mag-iiwan ito ng marka sa mga tagapakinig, ang katangiang dapat taglayin nito
at ang mahusay at pormal na pagkakagamit ng mga salita. Kapag ang isang
talumpati ay pormal na pakinggan at gumagamit ng mga salita na makabuluhan sa
itinatalakay na paksa ay maraming magiging interesado nito. Pangalawa ay kapag
ang talumpati ay nagbibigay ng maraming ebidensya ukol sa paksa na
itinitatalakay nito. Kapag marami ang inilalahad na mga ebidensya ay siguradong
mas maraming tao ang makikinig sa iyong ipinaparating.
Pagtataya
Ang Coronavirus (COVID-19) na
pandemya ay ang rurok ng pandaigdigang krisis sa kalusugan sa buong kalagayan n
gating buhay at ang pinakadakilang hamon na ating mahaharap, hindi lang sa
Pilipinas, kundi pati na rin sa buong mundo na kasalukuyang nagdurusa rin.
Isang maikling deskripsyon ng
COVID-19 virus; nagmula ito sa Wuhan, China at sinasabi rin na ang virus na ito
ay naggaling sa paniki na isang exotic
delicacy sa ibang parte ng China.
Ang gobyerno ng Pilipinas na
pinangunahan ni Pangulong Duterte ay may iba't ibang paraan sa pagresponde
laban sa pandemya kagaya ng pagdeklara ng state
of emergency, pagsasara ng mga paaralan at iba pang mga pampublikong mga
establisyemento, lockdown, at iba
pang mga kabawalan layon sa pagpabagal ng pagpapatuloy ng virus sa paglaganap
pa.
Gayon pa man, kahit maraming
isinagawa ang gobyerno para labanin ang pandemya, bakit naka-lockdown parin tayo pagkatapos ng higit
8 buwan na noong unang nagsimula ito? Ito’y dahil naantalang isakatuparan ng
Presidente ang travel ban noong bago
palang kumalat ang balita ng virus at hindi pa ito nakapasok ng bansa. Ito’y
dahil rin hindi kaagad naniwala ang sarili nating gobyerno sa banta ng pandemya
ng dahil sa virus na ito. At ito’y dahil sa kapabayaan ng gobyerno at
kamangmangan sa siyensiya.
Naniniwala akong kaya labanan ng
Pilipinas ang pandemya at babalik din tayo sa karaniwan nating mga buhay.
Makakamit natin ito, hindi lamang ito isang pangarap na hindi maabot.
Matatatag na kalooban at maaasahang
gobyerno lang an gating kailangan. Ang gobyernong makikinig sa mga taong
may-alam at hindi ilagan ang siyensiya dahil ito ang tanging may alam kung
papaano natin kakalabanin ang kontrang hindi makikita.
Hindi ba tayo naiingit sa gobyerno
ng taga-New Zealand? Ang kanilang Prime
Minister na si Jacinda Ardern ay
pinangunahan ang kanilang madaliang pagresponde laban sa pandemya na lumaganap
sa kanilang bansa at ngayon ay mababa na ang kanilang active cases. Dahil ibinigay ng mga taga-New Zealand ang kanilang
buong tiwala sa kanilang pinuno, humantong ito sa pagbuti ng kalagayan ng
kanilang bansa.
Ang Pilipinas ay isang demokrasyan gobyerno, ngunit dahil napuno ito ng mga pinuno na mga makikitid ang utak at hindi nakikinig sa mga opinyon at mga ideya ng mga tao, humantong tayo sa ganitong punto kung saan ang mga mamamayan ang lugi dahil sa mga desisyon n gating gobyerno. Bilang isang mamamayan, hindi ako titigil sa pagpapahayag ng aking mga opinyon dahil umaasa ako na maririnig din ang mga sigaw natin kapag tayong lahat ay magsasalita sa ating karapatan para humingi ng mas maasahang pamumuno para sa ating kaligtasan.
Comments
Post a Comment