Modyul 2: Aralin 2.2

 


Aralin 2.2: Pagsulat ng Abstrak

Caintic, Paula                                                                                                Fil 002 – Aralin 2.2

HUMSS-12                                                                                                     Oct. 22, 2020

Aplikasyon

Mahalaga ang abstak sa isang pananaliksik dahil ito’y nagbibigay ng medaling eskplenasyon na mas medaling maipaunawa ang isang malalim at kompleks na pananaliksik. Sa abstrak kadalasang matatagpuan ang mga mahahalagang detalye ukol sa pananaliksik kagaya ng mga resulta at kongklusyon. Importante rin ito dahil karamihan ng mga pananaliksik na mahahanap sa internet ay abstrak lang ang ipinapakita bilang isang buod sa laman ng teksto.

 

Pagtataya

Ang kawayan ay pangmatagalan, maraming magagawa at hindi kahoy kahit na ito’y mga kahoy sa gubat parin na may malaking ambag sa ekonomiya, lipunan at ekolohiya. Sa pagtaas ng demand ng kawayan, napataas din ang produksyon nito. Isinasagawa ang pananaliksik na ito para paghambingin ang pagpapalaki ng kawayan gamit in vitro sa iba’t ibang uri ng mga kawayan sa pamamagitan ng paggamit ng nodal explant na inokula sa Murashige at Skoog (1992) na saloid at likido na medium. Iba’t ibang importanteng klase ng kawayan ang ginamit bilang pagtatalakay sa pananaliksik na ito katulad ng: B1 (Guada angustifolia var. Oliver’s), B5 (Dendrocalamus masimuslamina), B6 (Dendrocalamus asper), at B11 (Dendrocalamus latiforus).

            Ipinakita ng mga resulta na mas maaga lilitaw ang kontaminsayon sa mga kawayan na inokular sa likido na medium. Sa likido na medium, ang B1 ay nagpapakita ng mas maaga na pagkakakontamina ngunit mas unang nagpapakita ang shoot ng kawayan. Mas maraming shoot ang nakuha galling sa B5 na mga kawayan na parehong inokular sa solid at likido na medium. Ang B10 ay nagpapakita ng hindi karamihang nabubuhay na mga kawayan. Walang makabuluhang pagkakaiba ang naobserbahan sa bilang ng nodes, bilang ng dahon at days to browning sa lahat ng klase ng kawayan na nasa dalawang medium.

Comments