Modyul 2: Aralin 2.1

 


Aralin 2.1: Pagsulat ng Buod


Caintic, Paula                                                                                                Fil 002 – Aralin 2.1

HUMSS-12                                                                                                     Oct. 22, 2020

Panimulang Pagtataya

___a___ 1) Ang abstrak isang maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik

a. Tama                       b. Mali

 

___a___ 2) Unang paunahang pananaw ang ginagamit sa pagsusulat ng buod.

a. Tama                       b. Mali

 

___c___ 3) Ito ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa. Ano ito?

a. rebyu                       c. talumpati

b. abstrak                     d. buod

 

___c___ 4) Ipinapakita dito ang kronolohiya ng isang pamamaraang pang-organisasyon. Anong uri ng talumpati ito?

a. mapanghikayat        c. impormatibo

b. makatotohanan        d. siklo

 

____c___ 5) Ang mga sumusunod ay mga pagdulog sa mapanghikayat na talumpati maliban sa isa. Ano ito?

a. pagkuwestyon sa pangyayari          c. pagkuwestyon sa polisiya

b. pagkuwestyon sa isang katotohanan           d. pagkuwestyon sa pagpapahalaga

Aplikasyon

Kadalasan kong magagamit ang kasanayan sa pagbubuod sa pang-araw-araw na gawain kapag may kinakailngan akong isulat para sa mga paksa ng aming mga klase. Dahil sa pandemya ay ang pag-aaral ng mga estudyante ay nalilimita lamang sa pamaraang online at modular kaya madaming ipinamimigay na mga gawain ang mga guro at kadalasan ditto ay mga learning check kung saan kailangang binubuod ang mga paksa na aming nabasa at ibabahagi ito sa mas maiksing paraan.

Pagtataya

Ang pelikulang Cinderella ay ginawa noong 1950 ni Walt Dinsey. Si Cinderella nawalan ng mga magulang noong siya’y bata pa, ngunit nakapagpangasawa pa ulit ang kanyang ama bago ito pumanaw. Si Lady Tremaine, ang stepmother niya ay may dalawa ring dalagang mga anak na sina Drizella at Anastasia. Ang stepmother ni Cinderella ay naiinggit sa kanyang ganda at kasariwaan at dahil diyan ay ginawa niyang tagapag-tulong ng bahay si Cinderella. Ngunit, kahit ganoon ang kalagayan ni Cinderella, hindi parin siya nawawalan ng sigla ng buhay at kinakaibigan niya ang mga daga at mga ibon na naninihrahan din sa kanyang pamamahay.

Samantalang sa palasyo naman, nag-aalala na ang hari sapagka’t wala paring asawa ang kanyang anak na isang Prinsipe ng kanilang kaharian. Sa gayon, naghanda siya at ang Grand Duke ng isang malaki at magarbong sayawan para tulungang makahanap ng ipapangasawa ng Prinsipe. Inimbitahan nila lahat ng mga maaaring hirangin na mga babae sa buong kaharian nila.

Noong nakatanggap si Lady Tremaine ng imbitasyon galling sa palayso para sa sayawan na magaganap, sinabihan niya si Cinderella na pwede siyang sumama kapag natapos niya na lahat ng kanyang mga aatupagin sa bahay at makahanap siya ng sarili niyang bestido na apropyado para sa okasyon. Abot langit ang kasiyahan ni Cinderella noong malaman niyang isasama siya ng kanyang stepmother sa palasyo. Dali-dali niyang itinapos lahat ng kanyang mga gawain at inayos ang lumang damit ng kanyang ina para suotin ito. Tinulungan siya ng kanyang mga kaibigang daga sa pamamgitan ng pagkuha ng mga itinapon na mga kagamitan ng stepsisters ni Cinderella. Nang bumaba na si Cinderella, galit nag alit na sinira ng kanyang mga stepsisters ang kanyang damit ng Makita nilang sinusuot ni Cinderella ang mga kagamitan nilang itinapon na. Nagdadalamhating tumakbo si Cinderella at humahagulhol siya sa bakuran ng kanyang bahay kung saan may biglang dumating na isang Fairy Godmother. Tinulungan niya si Cinderella para may maganda na isyang damit at pati na rin karwahe para siya’y makadalo sa sayawan sa palasyo. Ngunit sinabihan siya ng Fairy Godmother na kailangan siyang bumalik pagkatapos ng huling tunog ng kampana sa alas-dose ng gabi.

Pagkapasok ni Cinderella sa palasyo, maraming tao ang napatingin sa kanya at namangha sila sa kagandahan ng dalaga. Nakuha kaagad ni Cinderella ang atensyon ng Pirnsipe at niyaya siya nito para sumayaw. Sa maikling panahon ng kanilang pagsasama, sila’y napa-ibig sa isa’t isa, ngunit bago paman sila maghalikan, tumunog na ang kampana na naghuhudyat na alas-dose nan g gabi at kailangan ng umalis ni Cinderella. Dali daling tumakbo si Cinderella palabas ng palasyo pero hinahabol siya ng Prinsipe, nagaalinlangan sapagka’t hindi pa niya alam ang pangalan ng dalaga. Hindi na maksagot si Cinderella sa kanyang pagmamadali at dahil ditto, naiwan niya ang kanyang kristal na  sapatos sa hagdan ng palasyo.

Pagkauwi ni Cinderella, halatang halata na masaya siya sa pangyayari kagabi. Sa kasamaang palad, nalamn ng kaniyang stepmother na pumunta pala si Cinderella sa palasyo kagabii at siya ang babaeng kasayaw ng Prinsipe. Ikinulong si Cinderella sa kaniyang kwarto bilang parusa.

Samantalang ang Prinsipe naman ay naghahanap sa babaeng kasayaw niya kagabi at balak niyang ipasuot ang naiwan nitong glass slipper para mahanap siya. Nang dumating ang Duke na siyang inatasan ng Prinsipe para hanapin ang dalaga, sa pamamahay ni Lady Tremaine, ipinasuot niya ang sapatos sa dalawa niyang mga anak ngunit hindi ito kumakasya.

Si Cinderella naman ay tinutulungan ng kanyang mga kaibigang daga para makalabas ng kanyang kwarto at bumaba siya bago paman umalis ang Duke. Nang ipapasuot na sana ng Duke ang sapatos kay Cinderella, bigla siyang itinapilok ni Lady Tremaine, sa kadahilang nabasag ang sapatos. Ngunit, inilabas ni Cinderella ang kabilang pares ng sapatos at tuluyan na niya itong sinuot.

Matatapos ang estorya na kasal na si Cinderella at and Prinsipe at namuhay sila happily ever after.

Comments