Modyul 1: Aralin 1.1


Aralin 1.1: Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat

Caintic, Paula                                                                                                  Fil 002 – Aralin 1.1

HUMSS – 12                                                                                                  October 15, 2020

 

Gawain sa Aralin 1.1a

1. Nakasulat na ako ng isang position paper na kabilang sa mga halimbawa ng mga akademikong sulatin. Ang isang position paper ay isang sanaysay kung saan nagtatanghal ng mapagtatalunang opinyon tungkol sa isang isyu. Ang position paper ay karaniwang nagtataglay ng opinyon ng may akda. Ito ay karaniwang makikita sa mga nai-publish na mga academia, sa politika, sa batas at sa ibang pang mga domain.

2. Madalas makikita ang mga akademikong sulatin sa pagsusulat ng abstrak, replektibong sanaysay, talumpati at iba pang uri ng mga kasulatan na gumagamit ng pormal na pagsusulat.

 

Gawain sa Aralin 1.1b

1. Ang akademikong pagsulat ay isang makabuluhan at intelektwal na pagsusulat. Ito ay isa ring salaysay na sumasalamin reaksyon ng may akda. Ito’y nagbabahagi ng impormasyon, opinyon at saloobin galing sa manunulat.

2. Ang tatlong kalikasan ng akademikong pagsulat ay ang mga sumusunod: Katotohanan, Ebidensya, at Balanse.

Ang kalikasang Katotohanan ay nagpapapkita na ang manunulat ay gumagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.

Ang kalikasang Ebidensya naman ay pinapakita na sinusuportahan ng manunulat ang kanilang inilalahad.

At ang panghuling kalikasan ay ang Balanse kung saan ang paglalahad ng mga opinion at argumento ay dapat walang halong bias, seryoso at gumagamit ng wikang walang pagkiling.

Comments