Epilogo

 


Epilogo
ni Paula Caintic

    Ang kursong ito ay tunay na nakakapagpabagabag. Gayun paman, isa itong nakalulugod na karanasan para sa mag-aaral na ito. Nahihirapan ang awtor sapagkat hindi sapat ang kanyang kaalaman at kakayahan upang masalin ng mahusay ang lahat ng akda na narito sa portfolio na ito. Mas sanay ang awtor sa pagsusulat gamit ang wikang Ingles.

    Gayunman, nasiyahan parin ang awtor sa kanyang ginawang portfolio gamit ang blog na ito. Nasiyahan siya sa paggamit ng mga larawan upang maging nakawiwili ang kanyang portfolio.

    Maraming natutunan ang awtor sa mga akda na ginawa para sa kursong ito. Marahil madadala pa niya ang mga ito sa pangkinabukasan niyang pag-aaral at pagtrabaho. Mahala ang pag-aaral ng kursong ito at ang paggawa ng portfolio dahil maaring masuri ng tagapag-aral ang kanyang pagsulong sa kanyang kaalaman tungkol sa wikang Filipino.

    Nagpapasalamat ng marami ang awtor sa pagbasa ng kanyang mga akda sa portfolio na ito. Hanggang sa susunod, paalam.

Comments